LUMAD VS NPA | Lumad Leaders, Magsasampa na ng Kaso sa NPA sa Pang-aabuso sa Kanilang mga Katribo
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgAiwUZTTvMtf9TJZGIMHzX1-F0utMpVOC_Dww5_p7MyMYGFRBz7OeOvXXW0HbgMj37HHkRFW0rU7jR88MypqXfIXpl_fJDuut4vZJZYMGkQTt-4t4RPnNSg_j1N1e_hGRGqUaj4awIVPM/s1600/319CB469-268B-4858-B5F2-B516722EB0CC.jpeg)
Sa patuloy na karahasan sa mga Indigenous People (IP), sasampahan ng kaso ng mga lider ng Lumad ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa pagpatay, paglulupig, at pagsasamantala sa mga IP.
Sa loob ng mahabang panahon, ang mga Indigenous People ay nakararanas pa rin ng kakila-kilabot na kapalaran laban sa mga terorista na NPA.
Noong Martes, kabuuang 120 tribal chieftains mula sa Mindanao ang nagpunta sa Maynila upang maghain ng mga kaso laban sa CPP-NPA.
Kinondena at inakusahan ng Grupo ng mga kasapi ng NPA ang pagtuturo ng mga batang IP sa mga maling ideyal at kurikulum sa mga paaralan.
Sa panayam kay Lipatuan Joel Unad, ang Chairman ng Mindanao Indigenous People Conference for Peace and Development, sinabi niya mula noong 1980s mahigit 1,000 tribal leaders na ang panaslang ng mga NPA.
Comments
Post a Comment