Good News | 3rd at 4th Fast Patrol Boat ng Philippine Coast Guard na Galing France Parating na ng Bansa

Papangalanang “BRP Kalanggaman” at “BRP Malamawi” ang dalawang natitirang Fast Patrol Boat (FPBs) na galing sa bansang France na inaasahang darating sa bansa sa huling linggo ng Nobyembre 2018
Sinundan ito ng pagdating sa Maynila ng unang dalawang FPB, "BRP BORACAY" at "BRP PANGLAO", na kamakailan ay inatasan sa serbisyo ng gobyerno nitong Oktubre 15, 2018.
Samantala, ang pagtatayo ng Offshore Patrol Vessel (OPV270) na may 84 metrong haba ay patuloy na ginagawa sa OCEA shipyard sa France at naka-iskedyul na ihatid sa Pilipinas sa Agosto 2019. Sa oras na ito ay dumating sa bansa, ito ay papangalanang "BRP GABRIELA SILANG" bilang parangal sa Filipina revolutionary leader na si María Josefa Gabriela Cariño de Silang.
Ang pagbili ng nasabing mga sasakyang pandagat ay ipinatupad ng Department of Transportation para sa Philippine Coast Guard sa ilalim ng Philippine Ports at Coast Guard Capability Development Project at ang OCEA S.A ng France bilang shipbuilder.
Comments
Post a Comment