Galit si Duterte | "Hindi ko kayang isa-isahin ang mga Bugok sa BOC"
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj_ME5K5zHRpN32WCm_eCdcjZvZKxQBbUAX8iuoUcZbsFYtiFZz4QllTyQHkYoFVbmpYEQid68hP2nMyCqlF_U5Fn-yOhQrT2z71hFNd8rv6GyvjblkGgIiocx_UoYLepWIUmjeaghSfzI/s1600/boccc.png)
Binigyang-katwiran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang pagsibak sa lahat ng opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BOC) para malinis ang ahensiya sa katiwalian.
Sinabi ng Pangulo na wala siyang sapat na panahon para isa-isahin ang record ng mga empleyado kaya inalis niya lahat ang mga ito para maalis ang mga magnanakaw at mga tiwali sa ahensiya.
Bagama’t hindi niya nilalahat ang mga nasa BOC, sinabi ng Pangulo na ito lamang ang nakikita niyang paraan para malinis ang ahensiya laban sa mga nakikipagwabwatan sa mga sindikato para mapalusot ang mga kontrabando.
“‘Baka sabihin ni Duterte — hindi naman kami lahat magnanakaw eh.” Correct. So very correct. You are right. Not all of you are thieves or robbers, but you know you must be an idiot not to understand. You say that you are honest, that you are not part of the cabal there. And so? If that is your line, I cannot move and you stay there then I have to speculate if you are really a gangster working for the Bureau of Customs, a government employee,” anang Pangulo.
Dahil hindi niya masibak lahat ng mga nasa BOC, sinabi ni Pangulong Duterte na kakasuhan niya ang mga ito na at aasahang tatagal ng hanggang sampung taon ang kaso kapag iaapela ito sa korte.
Comments
Post a Comment