100 Mbps | Mabilis at Murang Internet sa Buong Pilipinas Pangako ni Chavit
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjlAUcnbxDj59xQDz_Etus099Y4Txhx9hqtIhEaoPC42gu_eREmZmSBAYYhfS4k5cgTtEKXtyhmCqi_9lTqkxh-aDfGWbHVMO1ZicuYOQldoiY8qA0H0Owwr0qfu3wUxhEhDZi4X8yPCdQ/s1600/0DFA0D96-CBF6-497E-9074-C9DE2630CE8F.jpeg)
Tiniyak ni dating Ilocos Sur Gov. Luis ‘Chavit’ Singson na magagawa nilang ibagsak ang presyo ng internet sa buong Pilipinas sakaling mapili ang kanilang consortium para maging 3rd telco sa bansa.
Inihayag ito ni Singson sa isang pulong balitaan sa Quezon City kung saan ay kanyang ibinunyag na lumagda sa isang kasunduan ang TierOne at ang LCS Group of Companies para bumili ng equity stake sa isang international broadband satellite operator na magbibigay-daan para magkaroon sila ng sariling satellite.
Sinabi nito na bahagi ang nilagdaan nilang kasunduan sa pagnanais ng kanilang consortium na maging 3rd major telco player sa Pilipinas.
Ilulunsad anya ang satellite sa Agosto o Setyembre sa susunod na taon kapag napili ang kanilang consortium bilang 3rd telco player.
Kapag nangyari umano ito, mapapababa nila ang presyo ng internet sa buong bansa ng hanggang 95 porsiyento.
Sana matupad at mapili si sir chavit. Pra nmn makaranas ng magandang serbisyo ng internet.tiyak ang paglipat pagnatupad LCS
ReplyDelete